TV

Daddy's Gurl: Meet the Otogan family

By Aedrianne Acar

Mangungulit na sa primetime ang blockbuster tandem nina Vic Sotto at Maine Mendoza dahil mapapanood sa darating na October 13 ang kuwelang sitcom na certified good vibes ang hatid, Daddy's Gurl.

Paano mabubuhay na magkasama sa iisang bahay ang Batagueño at conservative dad na si Barak Otogan (Vic) at ang kaniyang trendy daughter na si Visitacion Otogan (Maine)?

Kilalanin ang pamilya na magpapatawa sa inyo linggo-linggo mga Kapuso sa Daddy's Gurl!