TV

EXCLUSIVE: Jillian Ward, may plano ba na maging beauty queen?

By AEDRIANNE ACAR

 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi daw magiging sagabal para sa Kapuso tween star na si Jillian Ward ang trabaho niya bilang artista sa dream niya na makapagtapos ng pag-aaral.

Bagama’t magiging busy siya sa bagong kid fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan makakasama niya ang veteran actress na si Ms. Gloria Romero ay focused pa rin si Jillian sa kaniyang studies.

Kuwento ni Jillian, “Okay lang naman po since home study po ako. Wala naman po kaming bakasyon, parang anytime po nagtu-tutor kaya parang wala pong vacation. Parang kada walang taping po talagang nag-aaral po ako,”

Sa tagal na din ni Jillian sa showbiz ay binibigyan din nito ng halaga ng pag-iipon, lalo na at lahat ng kinikita niya since nag-start siya ay nasa bangko.

Ayon kay Jillian, ang mga magulang niya ang nagma-manage ng lahat ng suweldo niya.

“Sila Mama at Papa po. 'Yung lahat po ng pera ko po nasa bangko po para po pagtanda ko. Pero kahit pagtanda ko po sila pa rin po ‘yung magma-manage nun.”

Beauty queen

Marami ding Kapuso ang nagtatanong kung naiisip ba ni Jillian na sumali sa beauty contest.

Makikita sa Instagram post niya na angat ang angking kagandahan niya.


Bagama’t open ang Daig Kayo Ng Lola Ko actress sa pagsali, mas priority daw ni Jillian ang paghusayin pa ang talent niya sa pag-arte at pagkanta.

“Dati po hindi ko gusto, pero ngayon po kasi nanonood po ako lagi sa You Tube ng mga Miss Universe, ganun po. Pero ngayon, ‘yung focus ko po ‘yung sa pag-acting po at saka sa pagkanta ko po.”

“Siyempre marami rin po kasing gusto ma-experience kaya siyempre po baka 'pag dalaga na ako bigyan ko po ng try, since marami po akong gustong i-achieve” dagdag niya.

Heto ang paunang silip sa first episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko this April 30.


MORE 'DAIG KAYO NG LOLA KO':

EXCLUSIVE: Veteran star Gloria Romero impressed with how Jillian Ward and David Remo developed as good actors

EXCLUSIVE: Jillian Ward, nahirapan sa mga eksena niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

IN PHOTOS: A quick look at the cast of 'Daig Kayo Ng Lola Ko'