
Muling pinatunayan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara na walang makakatalo sa kanilang tambalan sa telebisyon.
Tampok ang Kapuso teen stars sa episode ng weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko last September 2 kung saan gumanap sila bilang kambal-tuko na sina Ella at Emma.
Mas marami ring tumutok sa Sunday episode ng Kapuso show matapos talunin nito ang karibal na programa sa Sunday primetime.
Kaya huwag bibitaw sa gumagandang kuwento ni Lola Goreng tungkol sa magkapatid na sina Ella at Emma at sa Daig Kayo Ng Lola Ko every Sunday night pagkatapos ng Amazing Earth.