Tutukan ang part two ng kuwento ng EX-B Academy featuring hip-hop superstars Ex Battalion sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' sa Sunday Grande sa gabi, bago ang 'Lip Sync Battle Philippines' this June 24.
Matutunghayan this Sunday ang part two ng high-rating episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' na EX-B Academy. Ano kaya ang nangyari sa mga bida natin na sina Andrew, Charlie Mac at Jay-Z?
Abangan muli ang Ex Battalion superstars na sina Bosx1ne, Flow-G, Emcee Rhenn, King Badger, Skusta Clee at James Brando this June 24.
May makakatalo ba sa grupo ng Bulldogs?
Mapapanood muli sa part two ng EX-B Academy ang mestiza beauty na si Sophie Albert.
Umaatikabong rap battle na naman ang masasaksihan ninyo, mga Kapuso, sa kuwento ni Lola Goreng.
Huwag palagpasin ang exciting ending ng EX-B Academy sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' before 'Lip Sync Battle Philippines' this June 24.