TV

EXCLUSIVE: Gardo Versoza, napaniwala sa destiny ng kanyang significant other

By MARAH RUIZ

 

 

"Dati ako 'yung inuukit, ngayon ako nag-uukit," biro ng aktor na si Gardo versoza tungkol sa kanyang karakter sa GMA telebabad series na Destined To Be Yours

Si Gardo kasi ang gumaganap na Teddy Obispo—tatay ni Sinag, na ginaganapan ni kalye-serye darling Maine Mendoza. Si Teddy din ang umukit ng wooden sculpture na Destiny's Promise na mahalagang bahagi ng kuwento. 

READ: Gardo Versoza, ikinagulat ang pagka-mahiyain ni Maine Mendoza

Bilang destiny ang isang mahalagang tema ng serye, naniniwala raw talaga si Gardo dito. At malaki raw ang naging bahagi ng kanyang significant other sa paniniwalang ito. 

"Speaking for myself, parang 'yung partner ko destined to be mine. Wala [siya] sa kung ano 'yung mga sine-set ko na ito 'yung mold ng gusto ko," bahagi niya.

Hindi raw niya inasahan na sila ang magiging magkatuwang sa buhay. Dahil dito, mas dama raw niya ang kuwento at iba pang elemento sa serye. 

"Feeling ko, siya 'yung ginuhit ng tadhana para sa akin kaya nakaka-relate ako doon sa title saka doon sa kuwento," aniya.

LOOK: Gardo Versoza, ipinagluto ang baby cupcake niya na si Maine Mendoza

Sa kasalukuyang takbo ng istorya ng Destined To Be Yours, nagkakamabutihan na sina Benjie, na ginaganapan ni Pambansang Bae Alden Richards, at Sinag. Pero dahil sa nakaraan ni Teddy, mukhang mauudlot pa ata ang umuusbong nilang pag-iibigan.  

Abangan ito sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

EXCLUSIVE: "I think he listens..." - Lotlot de Leon on Alden Richards

WATCH: Ina Feleo sings and plays the ukulele version of Destined To Be Yours' "Tadhana"