advertisement
TV

IN PHOTOS: The cast of 'Destined To Be Yours'

1 of 15

Benjie Rosales

Si Alden Richards ang gaganap bilang Benjie Rosales, isang binatang bagong graduate mula sa kanyang architecture course.

2 of 15

Sinag Obispo

Gaganap si Maine Mendoza bilang Sinag Obispo--voice talent, station manager, DJ at love adviser ng radio station na nanganganib nang magsara dahil sa kawalan ng sponsors.

3 of 15

Helen Rosales

Lola ni Benjie si Helen Rosales na gaganapan ni Boots Anson-Roa. Magiging mapagmahal si Helen kay Benjie alangalang sa namayapa niyang anak na si Gabriel.

advertisement
4 of 15

Amanda Rosales

Ina ni Benjie at biyuda ni Gabriel si Amanda Rosales na gaganapan ni Lotlot de Leon. Hihimukin niya ang kanyang anak na kilalanin ang pamilya ng yumao nitong ama.

5 of 15

Teddy Obispo

Si Gardo Versoza ang gaganap bilang wood sculptor at ama ni Sinag na si Teddy Obispo.

6 of 15

Vicente Rosales

Si Tommy Abuel naman si Vicente Rosales na lolo ni Benjie at isang successful na architect at businessman.

advertisement
7 of 15

Dante Escobar

Gaganapan ni Ronnie Henares ang role ng corrupt na mayor ng Pelangi na si Dante Escobar.

8 of 15

Catalina Rosales

Si Ina Feleo naman ang gaganap bilang Catalina Rosales, tita ni Benjie. May lihim na poot ito sa pamangkin dahil nakikita niya ito bilang kaagaw sa pagmamahal at approval ng kanyang ama.

9 of 15

Ninay

Always updated sa lahat ng pangyayari sa mga buhay ng mga residente ng Pelangi ang kababata at best friend ni Sinag na si Ninay. Si Sheena Halili ang gaganap sa karakter na ito.

advertisement
10 of 15

Jason

Si Dominic Roco ang gaganap bilang Jason, best friend at kapwa architecture fresh graduate ni Benjie.

11 of 15

Badong

Si Juancho Trivino ay si Badong, kababata ni Sinag. May lihim na pagtingin siya sa kaibigan pero ayaw niyang umamin sa takot na masira ang kanilang friendship.

12 of 15

Arman

Si Rj Padilla naman ang makulit na kabarkada nina Sinag, Ninay at Badong sa si Arman.

advertisement
13 of 15

Marjorie Escobar

Gaganap si Koreen Medina bilang Marjorie Escobar, unica hija ng pinakamayamang pamilya sa Pelangi. Magugustuhan niya si Benjie at gagawin ang lahat para makuha ang atensiyon ng binata.

14 of 15

Sally Obispo

Bibigyang buhay ni Ms. Janice de Belen si Sally Obispo, nanay ni Sinag. Itinuturing niyang psychic ang sarili kahit laging sablay ang kanyang mga hula.

15 of 15

Destined To Be Yours

Huwag palampasin ang 'Destined To Be Yours,' simula February 27, pagkatapos ng 'Encantadia' sa GMA Telebabad.

advertisement