GMA Logo
What's on TV

'Eat Bulaga,' hindi muna tatanggap ng live studio audience dahil sa COVID-19

By Aedrianne Acar
Published March 9, 2020 1:50 PM PHT
Updated March 9, 2020 2:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Minarapat ng pamunuan ng longest-running at multi-awarded noontime show na Eat Bulaga na itigil muna ang pagtanggap ng live studio audience sa kanilang APT Studios sa Cainta, Rizal dahil sa COVID-19.

Minarapat ng pamunuan ng longest-running at multi-awarded noontime show na Eat Bulaga na itigil muna ang pagtanggap ng studio audience sa kanilang APT Studios sa Cainta, Rizal.

Sa pahayag na inilabas ng Eat Bulaga sa kanilang Instagram page, ginawa nila ito matapos ang masusing pagpaplano. Ito rin ay para sumunod sa ginagawa ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Duterte signs EO declaring public health emergency

Ayon sa pahayag ng Eat Bulaga, “The management of Eat Bulaga has decided to temporarily suspend the admission of a live studio audience in the airing of its show, to help prevent the spread of the virus and to ensure the health and safety of its talent, staff, crew and members of its audience.

“Please understand that this decision was made after extensive and careful consideration in order to cooperate with government efforts to contain the spread of COVID-19.”

Makakaasa pa rin daw ang mga dabarkad na maghahatid ng saya ang buong Eat Bulaga tuwing tanghali.

“Araw-araw pa rin po kaming maghahatid ng isang libo't isang tuwa sa inyong mga tahanan.”

Isang post na ibinahagi ni Eat Bulaga (@eatbulaga1979) noong

Sa ibang balita, kinumpirma din ng mga mayor sa Quezon City at Marikina City na may confirmed COVID-19 cases na sa kanilang mga syudad.