TV

Bakit love ni Regine Velasquez na makatrabaho ang mga bakla?

By FELIX ILAYA

"Napansin ko lang ha, walang bading na hindi fan ni Regine Velasquez," pabirong sinabi ni Joross Gamboa sa press conference ng Full House Tonight! last February 7. Sa katotohanan nga ay may limang cast members ang Full House Tonight! na miyembro ng pederasyon at sila ay sina Philip Lazaro, Kim Idol, Nar Cabico, Terry Gian at Tammy Brown. Lahat sila ay fan ng Asia's Songbird.


Kung tinitingala ng maraming bakla si Regine, love din naman sila nito. Dagdag pa nga ni Regine na gusto niya silang nakakasama sa mga projects.

Aniya, "Basta ako I'm very happy to be working with these guys, gusto ko kasi 'pag nagtatrabaho ako, tawa lang ako ng tawa. 'Di ba ayaw mo naman 'yung magtrabaho ka na busangot ka lagi. Sa totoo lang, our job seems like it's a very glamorous job but actually, mahirap siya gawin. Masarap lang 'yung mga katrabaho mo nakakawala ng stress."


Bago raw ma-finalize ang cast ng Full House Tonight! kinonsulta muna raw si Regine kung masaya siya sa makakatrabaho niya sa show at para kay Regine, "Wala namang problema sa akin, I can work with anybody kasi makikisama naman ako."

Hanga rin daw ang Songbird sa magandang karakter at asal ng mga bading. 

"Marespeto naman talaga sila, siyempre 'yung mga barahan [at] joking, sa TV or sa entablado lang 'yon pero 'pag kami-kami lang, they're very respectful naman," saad ng Kapuso singer.

Mabuhay ka, Regine!

MORE ON 'FULL HOUSE TONIGHT!':

Kakaibang Regine Velasquez ang mapapanood sa 'Full House Tonight!'

Regine Velasquez hosts a dinner party for Team 'Full House Tonight!'

LOOK: Regine Velasquez, nagsimula na mag-taping para sa panibagong show