TV

Gabby Concepcion, may paliwanag kung bakit tinututukan ang 'Ika-6 Na Utos'

By MICHELLE CALIGAN

Aminado si Gabby Concepcion na nagulat ang bumubuo ng Ika-6 Na Utos sa taas ng ratings na natatanggap nito.

READ: #IANUNewEmma tops Twitter Philippines trends; netizens react to Sunshine Dizon's transformation

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras kagabi, March 2, ibinahagi ng aktor kung gaano siya kasaya.

"Hindi namin inisip na aabot sa ganun kataas ang ratings. Umabot lang kami doon sa isang numero, masaya na kami. Eh lumampas pa. We have nothing to complain about and everything to be thankful for."

Dinepensahan din niya ang co-star na si Ryza Cenon na gumaganap bilang ang kabit niyang si Georgia. Madalas daw kasi itong i-bash dahil sa kanyang role na mahusay niyang binibigyang buhay.

"Sa mga hindi nakakakilala kay Ryza, napakabait [niya]."

Marami ang kinilig sa nakaraang episode ng naturang teleserye, at ayon kay Gabby, ang mga ganitong eksena raw ang tinututukan ng televiewers.

WATCH: What you've missed from the March 2 episode of 'Ika-6 Na Utos'

"Mas gusto naman kasi nila na magbalikan si Emma at saka si Rome. Siguro umpisa na ito ng [pagbabalikan] nila."

Narito ang buong interview:


Video courtesy of GMA News

 

MORE ON GABBY CONCEPCION:

 

How does Gabby Concepcion spend his break from 'Ika-6 na Utos?'

Gabby Concepcion, itinangging ayaw niyang magkaroon ng reunion movie with Sharon Cuneta