TV

WATCH: Reaksiyon ni Barbie Forteza sa nagsabing mas maganda pa sa kanya ang Lumen's twins

By Bea Rodriguez

Tinawanan lang ni Inday Will Always Love You lead star Barbie Forteza ang mean tweet na kanyang natanggap sa social media noong nakaraang linggo.

Nag-post ng group photo si Barbie sa kanyang Instagram kasama ang cast ng pinagbibidahang romantic-comedy series noong nag-press conference sila sa Cebu.

 

Ayon sa isang netizen kung saan naka-tag ang aktres, “Mas maganda pa [sa ’yo] ‘yung kambal ni Lumen.”

Sumang-ayon ang Kapuso star sa komento, “Why not naman, ‘di ba? Totoo naman at saka maganda ang pagiging dalaga nila.”

Ang tinutukoy ng aktres at ng kanyang basher ay ang starring na kambal sa kiligserye na sina Charlotte at Charice Hermoso.