
Kagabi, August 3, ay nagtapos na ang sinubaybayang drama ng sambayanan, ang Kambal, Karibal.
Matatandaang ang Kapuso teleserye ang kauna-unahang GMA show ni Kyline Alcantara. Sa pagtatapos nito, may mensaheng ipinaabot ang magaling na aktres.
"It all started with an audition na di ko naman po akalain na makukuha ako at gaganap sa papel ni Cheska," bungad ni Kyline.
Dagdag pa niya, "Gusto ko lang mag thank you sa tiwala and suporta ng mga bosses, staff and crew, my co-artists, at higit sa lahat sa viewers na niyakap ang aming palabas at kinilala ang aming mga pagganap. Lubos po akong nagpapasalamat kung paano niyo tinanggap ang Kambal, Karibal at pinatuloy po kami sa inyong mga tahanan sa loob ng halos siyam na buwan."
Marvin Agustin, may payo sa mga teen actors na kanyang nakatrabaho sa 'Kambal, Karibal'
Sunod na pinasalamatan ni Kyline ang Kapuso network. Aniya, "Gusto ko na din kunin ang pagkakataon para pasalamatan ang GMA Network para sa tiwala at pagbigay sa akin ng Kambal, Karibal na nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon para ipakita ang aking kakayanan."
"Kambal, Karibal will always have a special place in my heart because this is my dream project at malaki ang binago nito sa buhay ko. Muli salamat po sa inyong lahat na sumubaybay at sana po ay abangan ninyo ang aming mga susunod na proyekto."
"Maraming maraming salamat sa mga Sunflowers ko sa sobrang laking suporta nyo sa akin at sa buong KK family."
"No goodbyes, but see you soon! Cheska/Crisel/Crisan now signing off," pagtatapos niya.