TV

Zoren Legaspi, nagpapayat para sa 'Kapag Nahati Ang Puso'

By Bianca Geli

 

Dalawang beses kung mag-work out in a day ang upcoming Kapag Nahati Ang Puso actor na si Zoren Legaspi.

Aniya, “Twice a day ako nagwu-work out tapos may kasamang diet so may discipline talagang kailangan kaya mahirap tapos during taping imi-maintain pa dapat. Sa morning, I bike mga three hours outdoor tapos sa gabi gym workout.”

Gusto raw ni Zoren na maging prepared physically para sa role kaya todo work out siya para maging fit.

“Pinaka-adjustment na ginawa ko is physical adjustment. Gusto ko this time kapag napanood nila ako, physically may iba sa sakin. Nag-cut down ako sa weight para maiba naman kaya.”

Gaganap si Zoren bilang Nico Del Valle, isang happy-go-lucky na binata galing Manila na mapapagitnaan ng dalawang babae, si Rio (Sunshine Cruz) at Mirana (Bing Loyzaga). Abangan ang Kapag Nahati Ang Puso, ngayong July 16 na!