TV

Janine Gutierrez at Mikael Daez, nagkagulatan nang maging magkatambal sa 'Legally Blind'

By AL KENDRICK NOGUERA

Unang beses magkakatrabaho nina Kapuso actors Janine Gutierrez at Mikael Daez kaya naman nang mabalitaan nila na magsasama sila sa upcoming GMA Afternoon Prime soap na Legally Blind ay nagkagulatan sila.

Kuwento ni Janine, magkakilala na sila ni Mikael bago pa sila mag-showbiz. Aniya, "Si Mikael kasi, kilala ko pa siya noong college kasi we came from the same school (Ateneo De Manila University)." 

"Naalala ko pa noong unang beses na nagkita kami rito sa GMA, nagkagulatan kami kasi parang hindi namin in-expect pareho na mag-aartista siya at siya rin siguro, hindi niya rin in-expect mag-aartista ako," bahagi ni Janine.

Ayon pa kay Janine, noon pa man daw ay gusto na niyang makatrabaho si Mikael. Kaya naman ngayon na napagbigyan na siya ay talagang excited daw ang Kapuso actress.

"First time kong makakasama si Mikael sa kahit anong show kaya excited din ako. Napapanood ko siya at isa rin siya sa mga gusto kong makatrabaho before," pahayag ni Janine.

Mahirap ang gagampanang karakter ni Janine bilang si Atty. Grace sa Legally Blind at itinuturing niya itong kanyang most challenging role to date. Makakatambal niya sa GMA Afternoon Prime soap na ito si Mikael na magbibigay-buhay naman sa role na si Atty. Edward.

Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date

MORE ON 'LEGALLY BLIND':

LOOK: Janine Gutierrez-starrer 'Legally Blind' starts taping

LOOK: 'Legally Blind' cast, sinorpresa si GMA SVP for Entertainment TV Lilybeth Rasonable sa kanyang kaarawan

Photo by: janinegutierrez (IG)