TV

LOOK: Mikael Daez, tagahawak ng bentilador ang isang beteranong aktres habang natutulog

By AL KENDRICK NOGUERA

Masarap matulog ngunit mas masarap magpahinga kapag mayroong nakatapat na electric fan sa 'yo tulad ni Mikael Daez sa set ng Legally Blind.

Pero ibahin n'yo si Mikael dahil ang tagahawak ng bentilador para mahanginan siya ay walang iba kung 'di ang beteranong aktres na si Chanda Romero! Ibinahagi ng Kapuso actor ang larawang ito sa kanyang Instagram account.


"Hirap talaga sa set minsan. Buti na lang nariyan si Tita Chanda. HAHAHA! Labyu, Tita," saad ni Mikael sa kanyang post.

Magkasama sina Mikael at Chanda sa upcoming GMA Afternoon Prime soap na Legally Blind na pagbibidahan ni Janine Gutierrez. Kabilang din sa bagong Kapuso teleseryeng ito sina Lauren Young, Marc Abaya at Rodjun Cruz.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':

Lauren Young on new show 'Legally Blind:' "[It's] worth the wait"

Janine Gutierrez at Mikael Daez, nagkagulatan nang maging magkatambal sa 'Legally Blind'

Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date