TV

WATCH: Unang silip sa rape scene sa 'Legally Blind' kung saan kinabahan ang aktres na si Janine Gutierrez

By AEDRIANNE ACAR

Tiyak aabangan ng maraming Kapuso televiewers ang bagong afternoon soap ng Kapuso fashionista na si Janine Gutierrez na Legally Blind.

Sa panayam sa 24 Oras, nagkuwento ang magandang dalaga kay GMA showbiz reporter Cata Tibayan ng mga naging challenges niya sa pagganap sa role.

Kuwento ni Janine, sobra siyang kinabahan sa rape scene na shinoot nila kasama ang versatile actor na si Marc Abaya.

“Nagulat ako na talagang ang galing pala niya (Marc Abaya) kasi makikita mo bago kunan ‘yung eksena na talagang nagpe-prepare siya, na ako habang iniintay ko din na mag-aksyon natatakot ako sa itsura niya.”

May ilang action scenes din dito ang Kapuso actress na talagang napakahirap gawin.

Aniya, “Lulusot siya sa salamin mauuntog-untog, mahuhulog sa bangin, madidiskubre dun sa putikan, so talagang sobrang napakahirap.”

LOOK: Janine Gutierrez, nominated as Favorite Pinoy Star in 2017 Kids' Choice Awards

Masaya naman si Janine sa bago ding blessing na natanggap niya dahil sila na ni Ken Chan ang magiging bagong hosts ng GMA News TV program na Day Off na nagdiriwang ng 12th anniversary nito.

Saad ni Janine, “May puso ‘yung show and it’s nice na kami ‘yung nakakapag-reward sa kanila, nakakapagpasyal sa kanila.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON JANINE GUTIERREZ:

Janine Gutierrez at Mikael Daez, nagkagulatan nang maging magkatambal sa 'Legally Blind'

LOOK: 'Legally Blind' cast, sinorpresa si GMA SVP for Entertainment TV Lilybeth Rasonable sa kanyang kaarawan