TV

Lauren Young, bakit pumayag na maging supporting role ni Janine Gutierrez sa 'Legally Blind?'

By AL KENDRICK NOGUERA

 

 

Sa pagbabalik telebisyon ni Lauren Young, isang supporting role ang ibinigay sa kanya bilang kapatid ni Janine Gutierrez sa Legally Blind.

READ: Lauren Young on new show 'Legally Blind:' "[It's] worth the wait"

Bago pa magsimula ang GMA Afternoon Prime soap ay naitanong na ng entertainment press kay Lauren kung bakit tinanggap niya ang role kahit na hindi siya ang bida sa teleserye.

Ayon kay Lauren, wala raw siyang nakikitang mali sa pagpayag sa supporting role. Para sa kanya, maliit man o malaki ang role ay importante pa rin ang bawat isa sa isang proyekto.

"Pagdating sa shows, kahit kontrabida, best friend, mom, or the dad, each person as an actor can bring something to the table. Without each and every person here, hindi magagawa ang isang show," sagot ni Lauren.

Paglilinaw niya, wala raw isyu sa pagitan nila ni Janine. "I'm honored to be paired with Janine," pagtatapos ng Legally Blind star.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':

WATCH: 'Legally Blind' full episode three aired on February 22

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, naramdaman ang galit at takot ng mga inabuso matapos ang 'Legally Blind' rape scene

IN PHOTOS: On the set of 'Legally Blind'