GMA Logo
What's on TV

"Sexy Hipon" Herlene Budol, gaganap bilang OFW sa #MPK

By Marah Ruiz
Published November 29, 2019 4:44 PM PHT
Updated December 23, 2019 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na si Sexy Hipon Herlene Budol sa kanyang kauna-unahang acting project sa '#MPK."

Lubos ang pasasalamat ni viral sensation at Wowowin host "Sexy Hipon" Herlene Budol matapos niyang matanggap ang kanyang kauna-unahang acting project.

Siya kasi ang magiging bida sa upcoming episode ng #MPK o Magpakailanman na pinamagatang "Yaya Dubai & I." Isa ito sa mga pre-anniversary specials ng programa at mapapanood sa November 30.

"Gaganap po ako bilang yaya sa ibang bansa. Mararanasan ko po doon 'yung hirap. Mararamdaman ko po 'yung hirap ng mga OFW na nagkakatulong, nag-aalaga po ng ibang anak ng mga amo nila, tapos may mga naiiwan po ditong mahal sa buhay," paglalarawan ni Herlene sa role na kanyang gagampanan.

Humingi naman siya ng suporta para sa kanyang acting debut.

"Nagmamakaawa po ako. Sa bawat may TV sa inyo, buksan n'yo po kahit iwanan niyo po muna. Mga isa't kalahating oras lang naman po 'yun. Ipo-promote ko po talaga 'to, sa November 30, Saturday, pagkatapos ng Daddy's Gurl," pahayag niya.


Bukod kay Herlene, tampok din sa episode sina Mike Agassi, Vaness del Moral, Euwenn Aleta, Lotlot de Leon at marami pang iba.

Tunghayan ang "Yaya Dubai & I," isa sa mga pre-anniversary specials ng #MPK, ngayong November 30, pagkatapos ng Daddy's Gurl sa GMA.

"Sexy Hipon" Herlene Budol, unang acting project ang #MPK

IN PHOTOS: "Sexy Hipon" Herlene Budol, mapapanood na sa '#MPK'