
Isang malaking blessing na naman ang natanggap ni Wowowin host "Sexy Hipon" Herlene Budol.
Panalo kasi sa ratings ang pinagbidahan niyang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Ang episode na ito na pinamagatang "Yaya Dubai & I" ang acting debut ni Herlene at umere ito noong November 30.
Nagtala ito ng 10.9% viewership, ayon sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines. Mas mataas ito kaysa sa kasabay na programa sa kabilang estasyon na nagtala ng 8.1%.
Ang "Yaya Dubai & I" ay isa sa mga pre-annivesary specials ng #MPK.
Panoorin ang ilang highlights ng episode dito:
WATCH: Behind-the-scenes sampal video ni "Sexy Hipon" Herlene Budol mula sa '#MPK', viral!
"Sexy Hipon" Herlene Budol, nagbilang ng ipin bilang paghahanda sa #MPK episode