TV

Bakit tinawag ni Barbie Forteza na 'sweet' si Ivan Dorschner?

By GIA ALLANA SORIANO

Sa press conference ng Meant To Be, tinanong si Barbie kung paano niya i-de-describe ang mga leading men niya in one word. Pagdating kay Ivan, ang unang nasabi ng aktres ay “sweet.”

Nang tanungin si Ivan kung bakit kaya “sweet” ang description sa kanya ng aktres, sagot naman niya: “Dinadalan ko siya ng coffee minsan sa set? I don’t know, 'di ko alam kung ano [mismo ‘yung] pagkakaintindi niya sa akin na sweet, but that’s a good thing, right?”

 

Dagdag pa niya, “Syempre, ‘yun ‘yung pagkakaintindi, ‘yung na-e-experience ni Barbie sa pagsasama namin. I think tama naman sinabi niya, na “playful sweet.””

Ano naman kaya ang salitang mag-de-describe kay Barbie para kay Ivan?

Aniya, “Hindi nga po sasapat ang isang word sa kanya.” Kaya “indescribable” ang napiling salita ni Ivan.

Abangan sina Barbie Forteza bilang Billie Bendiola, at Ivan Dorschner bilang Ethan Spencer-Hughes sa Meant To Be, ngayong January 9 na!

More on Meant To Be: 

Ivan Dorschner at Addy Raj, Kapuso na! 

Jak Roberto at Ivan Dorschner excited sa bago nilang project sa GMA

Barbie Forteza to Jak Roberto: “Wag ka kasing torpe”