TV

Boys ng 'Meant To Be,' tiwala na magre-rate ang show dahil kay Barbie Forteza

By GIA ALLANA SORIANO

 

 

Sa interview with the press sa kanilang Valentine's Day event sa Enchanted Kingdom last February 11, napag-usapan kung nag-aalala ba ang main cast ng show sa ratings ng Meant To Be.

Ayon kay Ken Chan, "Actually, hindi naman talaga kami nag-expect [dahil sa] time slot namin."

Paliwanag niya, dahil parang teen oriented show ang Meant to Be, hindi sila ganun ka-sure kung magiging okay ang ratings dahil kadalasan mas matured na shows ang pinapalabas sa third slot sa GMA Telebabad.

Ganoon pa man, hindi ito alintana ni Ken. Sa halip ay binibigyan niya ng importansya ang viewers ng show. "Sabi namin, basta mabigyan sila ng masayang show. Hindi namin ine-expect na magkaroon ng mataas na ratings, basta mabigyan namin 'yung viewers ng masayang show."

Dagdag naman ni Barbie Forteza, pati ang production team ay may worries din nung una. Aniya, "Eh, parang nag-worry sila kasi ‘’yung mga kabataan nga maaga natutulog kasi may klase kinabukasan, maraming hindi makakapanood. 'Yun ang sabi nila, pero 'yun nga sobrang nakakatuwa, sobrang nakakataba ng puso, kasi karamihan sa kanila talagang nagpupuyat."

"Lagi nilang sinasabi kahit maaga pasok nila kinabukasan, andun 'yung effort nila magpuyat para lang mapanood 'yung show namin. Ginagawa rin naman namin 'yung part namin para worth it 'yung effort nila magpuyat."

Sabi naman ni Ivan Dorschner, nawala ang worries niya dahil kasama si Barbie. Ika niya, "Kasama po namin si Barbie Forteza, 'yun ['yung] pinanghawakan namin."

Sinang-ayunan din ito ni Jak Roberto ang sinabi ni Ivan, "So, 'yun na lang pinanghawakan namin [na kasama si Barbie.] Alam naman namin na ang shows ni Barbie nagre-rate."

Para rin kay Addy Raj, sobrang "worth it" ang ginagawa nila dahil nakikita naman nila ang results ng effort nila.

Dagdag pa ni Ivan, nag-exceed ang expectations nila sa show, "mga three times," ani niya.

MORE ON 'MEANT TO BE':

'Meant To Be': Sasagutin na ba ni Billie si Ethan?

IN PHOTOS: Meet the cast of 'Meant to Be'

Wacky photos of Barbie Forteza