TV

Ken Chan, pa-joke na tinanong si Barbie Forteza: 'Kunyare, magkakaanak ka sa aming apat, anong itsura?'

By GIA ALLANA SORIANO, Interview by AL KENDRICK NOGUERA

 

Sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com, naikuwento ni Ken na mahilig daw mag-games silang lima habang nasa taping. Isa sa mga nagiging game nila ay magtanong ng super random questions sa isa’t isa. Once ay tinanong daw ni Ken si Barbie: “Barang, kunyare magkakaanak ka sa aming apat, anong itsura nung kay Addy [Raj,] kay Ivan [Dorschner,] kay Jak [Roberto,] [at] sa akin?”

 

Game namang sumagot si Barbie. Aniya, ‘yung kay Ivan “mestizo at English-spokening,” kay Addy ay “makapal ang kilay at pilikmata,” kay Jak daw ay “mahinhin” ang personality, at ang kay Ken Chan ay “kamukha ni Jackie Chan.”

Natutuwa naman si Ken na sanay na sila sa isa’t isa, na pati ganitong joke ay kering-keri nila.

Ika ni Ken, “Ang cute lang nung conversation namin ni Barbie na 'yun, na sobrang komportable namin sa isa't isa para pag-usapan na magkaroon siya ng anak sa aming apat and sa akin din. So, nakakatuwa lang ‘yung joke namin, ‘yung game namin na ‘yun.”

More on Meant To Be:

What you've missed from Meant To Be's episode on March 8

What you've missed from Meant To Be's episode on March 9

What you've missed from Meant To Be's episode on March 10