TV

Meant To Be: Mga #TeamAndoy nalungkot sa pag-friendzone ni Billie kay Andoy

By GIA ALLANA SORIANO

Sa episode ng Meant To Be kagabi, kinailangan na i-turn down ni Billie (Barbie Forteza) si Andoy (Jak Roberto.) 


Pagkatapos sabihin ni Andoy ang lahat ng nararamdaman niya para kay Billie, hiningi ng binata na sana sabihin na nI Billie na hindi siya ang napili nito kung hindi siya ang tinitibok ng puso ni Billie. Ito ay dahil hanggang hindi pa siya ni-re-reject ni Billie, aasa at aasa pa rin si Andoy.

 

Marami namang nasaktan dahil hindi si Andoy ang napili. Ang iba ay naiyak pa sa episode kagabi. Marahil dahil very relatable ang ma-"friendzone" sa mga viewers ng Meant To Be.

 

 

Dalawa na lang ang natitira, sino ang pipiliin ni Billie, si Ethan or si Yuan? Abangan sa kilig finale ngayong gabi.