TV

WATCH: Bianca Umali at Miguel Tanfelix, todo ang paghahanda para sa 'Mulawin VS Ravena'

By AL KENDRICK NOGUERA

Tulad ng viewers, excited na rin ang Kapuso love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa inaabangang telefantasya na Mulawin VS Ravena. Dahil ito ang itinuturing na biggest GMA project ngayong taon, pinaghahandaan ito nang mabuti ng cast.

Tulad ng ibang confirmed cast members na sina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Bea Binene at Dennis Trillo, sumailalim na rin sa fight training ang BiGuel. "Mayroon kaming fight, arnis, [and] bo staff [training]," bahagi ni Miguel sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Bukod pa sa special training na ibinibigay ng programa, nagsasanay rin ang dalawa ng iba pang physical skills tulad ng Muay Thai. Dagdag ni Miguel, "Nagma-martial arts ako at knife fighting."

Ayon kay Bianca, kahit mahirap ay tinotodo na nila ang preparasyon para sa kanilang big project. "Grabe rin po 'yung preparations na ginagawa namin ngayon. Talagang lahat ng puwedeng i-train, tine-train po namin," bahagi niya.

Kamakailan lamang ay sinorpresa ni Miguel si Bianca nang mag-celebrate siya ng kanyang birthday. Alamin kung ano ang regalo ni Miguel sa kanyang love team sa kabuuan ng 24 Oras report.

READ: Miguel Tanfelix's sweet birthday message for Bianca Umali


MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':

WATCH: 'Mulawin VS Ravena' cast, puspusan ang training dahil bawal magkaroon ng double sa fight scenes

WATCH: Heart Evangelista, nagbigay ng clue sa kanyang role sa 'Mulawin VS Ravena'

'Mulawin VS Ravena' cast, sumabak na sa matinding physical training