TV

'Mulawin VS Ravena' star Miguel Tanfelix on Bianca Umali as the new Lawiswis: 'Bagay, ang ganda niya'

By AL KENDRICK NOGUERA

Noong nakaraang linggo ay ipinakilala na ang cast ng inaabangang Kapuso telefantasya na Mulawin VS Ravena. Kabilang sa mga maghahari sa himpapawid ngayong taon ay ang Kapuso love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

EXCLUSIVE: Meet the official cast of 'Mulawin VS Ravena'

Si Miguel ang muling gaganap bilang Pagaspas na kanya ring binigyang buhay sa orihinal na bersyon ng telefantasya noong 2004. Samantala, isang bagong Lawiswis naman ang ipakikilala ngayong 2017 na gagampanan ni Bianca Umali.

Ayon kay Miguel, nabighani raw siya nang unang beses na makita si Bianca na suot ang kanyang costume. "Bagay kay Bianca. And ganda niya," anang aktor.

Kuwento ng dalawa, sa ginanap na Mulawin VS Ravena cast reveal lamang nila nakita ang kanilang engrandeng costumes. "Ito na po 'yung pinakamarami kong skin na naipakita," bahagi ni Bianca.

Bukod sa excitement sa kanyang costume, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Bianca na kabilang siya sa pinakamalaking proyekto ng GMA ngayong taon.

"Surreal talaga kasi siya for me lalo na noong narinig po namin 'yung theme song (Ikaw Nga) tapos isa-isa na po kaming tinatawag, naiiyak po talaga ako kasi sobrang thankful po ako kay Lord kasi nakasama po ako. It's a dream come true," pagtatapos niya.

 

PHOTO BY Michael Paunlagui, GMANetwork.com

MORE ON MULAWIN VS RAVENA:

LOOK: Bianca Umali dressed as a Mulawin in 2007

WATCH: Heart Evangelista and Lovi Poe's harness training for 'Mulawin VS Ravena'

LOOK: Tom Rodriguez, Ariel Rivera, and Ms. Regine Velasquez-Alcasid complete the cast of 'Mulawin VS Ravena'