TV

WATCH: Miguel Tanfelix, todo career sa muling paglipad ni Pagaspas sa 'Mulawin VS Ravena'

By AL KENDRICK NOGUERA

Ramdam na ang nalalapit na paglipad ng Mulawin VS Ravena sa himpapawid dahil sumabak na sa pictorial at plug shoot ang bigating cast members ng Kapuso telefantasya.

Isa sa mga nakapanayam ni Lhar Santagio sa 24 Oras si Miguel Tanfelix na gaganap bilang mas matandang Pagaspas. Matatandaang si Miguel din ang nagbigay buhay sa role na ito sa orihinal na bersyon ng iconic telefantasya noong 2004.

Kuwento ni Miguel, tinotodo na raw niya ang paghahanda para sa biggest project ng GMA ngayong taon. Aniya, "Halos araw-araw nagpa-practice po ako ng martial arts. Inuuwi ko po 'yung weapon ko para mas mapaghandaan ko po."

Dagdag pa niya, iba ang pakiramdam na ibinibigay ng kanyang napakagandang costume sa kanya. "Tuwing sinusuot ko po 'yung costume ko, talagang nagsi-sink in talaga sa 'kin 'yung character na si Pagaspas kaya kung gumalaw at makipag-usap [ako] sa ibang tao, nag-iiba kumpara sa tunay na Miguel," saad ng aktor.

Hindi rin maitago ni Miguel ang excitement sa kanyang bagong show dahil malalaking Kapuso stars ang kanyang makakasama rito tulad nina Dennis Trillo, Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana at Ms. Regine Velasquez-Alcasid. "Honored and masaya po ako [dahil] makakasama ko po sila sa isang show and napakalaking show pa, Mulawin VS Ravena," pagtatapos niya.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.

 

MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':

EXCLUSIVE: Wyn Marquez, isinantabi muna ang pagsali sa Binibining Pilipinas para sa 'Mulawin VS Ravena'

EXCLUSIVE: Bea Binene, Kiko Estrada at Bianca Umali, nag-bonding bago maging busy sa 'Mulawin VS Ravena'

WATCH: Derrick Monasterio, nagbabawas ng timbang upang mapadali ang paglipad sa 'Mulawin VS Ravena'