
Ramdam na ang excitement dahil malapit na ang nakakakilig na pilot episode ng pinakabagong musical/romcom series na My Guitar Princess sa darating na May 7.
Kabilang sa star-studded cast ng Kapuso soap sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Kiko Estrada at Gil Cuerva.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Kiko, naikuwento niya na madaling makaka-relate ang millennials sa kanilang show.
Paliwanag ng Kapuso actor, “A lot of ways, it’s striving for your dreams and fighting for love. And kung crush mo ba ‘to tulungan mo muna na ba or profess mo na ba ‘yung love mo? “You know it’s relatable to everyone, it’s [a] very-very nice show.”
Gagampanan ni Kiko ang role ni Justin na tutulong na tuparin ang pangarap ni Celina, who is played by Julie Anne, na maging isang viral singer.
Hanga rin ang hunky aktor sa pagiging professional ni Julie Anne tuwing taping. “She’s very humble. Maganda siya [katrabaho].”
For more exclusive content about My Guitar Princess, visit GMANetwork.com!