advertisement
TV

IN PHOTOS: Kilalanin ang cast ng 'My Special Tatay'

1 of 12

Ken Chan

Si Ken Chan ang gaganap sa lead role ng 'My Special Tatay' na si Boyet, isang binatang may mild intellectual disability at autism.

2 of 12

My Special Tatay

Magagampanan kaya ni Boyet ang kaniyang papel bilang isang ama sa kabila ng kaniyang kondisyon?

3 of 12

Lilet

Ang '80s popstar na si Lilet ang magbibigay buhay sa karakter ni Isay, ang butihing ina ni Boyet.

advertisement
4 of 12

Arra San Agustin

Bibida rin si Arra San Agustin sa 'My Special Tatay' bilang si Carol, ang kababata ni Boyet.

5 of 12

Boyet and Carol

Lingid sa kaalaman ni Carol, may lihim na pagtingin si Boyet sa kaniya.

6 of 12

Candy Pangilinan

Mapapanood naman si Candy Pangilinan as Chona, ang tiyahin ni Boyet na tatayong pangalawang ina nito.

advertisement
7 of 12

Villaroman

Kilalanin ang mga Villaroman. Magiging mabuti o masama ba ang pamilyang ito kina Boyet at Isay?

8 of 12

Jestoni Alarcon

Si Jestoni Alarcon naman ang gaganap na estranged father ni Boyet na si Edgar. Ngunit isang aksidente ang makapagbabago ng pagtrato nito sa nawalay niyang anak.

9 of 12

Teresa Loyzaga

Ambisyosa at makasarili, 'yan ang karakter na gagampanan ni Teresa Loyzaga na si Olivia, asawa ni Edgar. Ano kaya ang kaniyang gagawin nang makilala niya ang pangalawang pamilya ng kaniyang mister?

advertisement
10 of 12

Bruno Gabrie

Bibigyang buhay naman ni Bruno Gabriel ang panganay na anak nina Olivia at Edgar na si Orville. Magiging karibal siya ni Boyet sa pagtingin ni Carol.

11 of 12

Jillian Ward

Si Jillian Ward naman ang bunsong anak ng mga Villaroman na si Odette. Maituturing kaya niyang kuya ang kaniyang half-brother na si Boyet?

12 of 12

Carmen Soriano

Gagampanan ni Carmen Soriano ang karakter ni Soledad Villaroman, ang ina ni Edgar at lola ni Boyet. Siya ang magiging tulay upang magtagpo muli ang mag-ama.

advertisement