TV

Finale episode ng 'Onanay,' namayagpag sa ratings!

Naghari sa TV ratings ang finale episode ng hit GMA primetime series na Onanay noong nakaraang Biyernes, March 15.


Base sa datos ng pinagkakatiwalaang AGB Nielsen, nakakuha ang serye ng 14.8% rating laban sa katapat na programa ng kabilang istasyon na nakuha lamang ng rating na 10.8 %.

Maraming salamat, mga Kapuso, sa pagtutok sa Onanay hanggang sa huli.

Subaybayan naman simula ngayong Lunes, March 18, ang Sahaya pagkatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad.

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/sahaya/about?amp

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/kara_mia/about?amp