TV

WATCH: 'Wowowin' hosts, mas marami ang natalong cash prize sa 'People vs. The Stars'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Tulad ng ibang stars na dumaan sa matinding pagsubok sa People vs. The Stars, hindi rin nagpahuli ang Wowowin hosts na sina Donita Nose, Ariella Arida, at Super Tekla sa mga tanong nina Iya Villania at Drew Arellano nitong Linggo, February 19. Ngunit bago pa man ibigay ang tanong, inalam muna ng mga hosts ng show ang dahilan kung bakit sumali ang kanilang mga bisita.

Ayon kay Super Tekla, ipangbabayad niya ito ng kuryente na inabot ng Php 150,000. Sa kasamaang palad, unang tanong palang, talo na agad sila sa People.


Nalito man ang tatlo sa isang tanong, nakapagbigay naman sila ng aliw sa mga audience at hosts.


Dumaan rin sa isang physical and mental challenge ang Wowowin hosts. Ipinakita nila ang kanilang galing sa Flag Challenge na ibinigay nina Iya at Drew kaya nakapagdagdag sila ng Php 20,000 sa kanilang pot money.


Isang musical instrument na lang, nalito pa ang tatlo! Dahil rito hindi nila naiuwi ang additional Php 50,000. Ang total prize na nakuha ng Wowowin hosts ay Php 40,000 lamang at ang People ay maghahati sa Php 160,000.


This Sunday, sunod na sasabak ang Kapuso comedians na sina Rogelia, Tetay, at Boobay. Abangan ang riot weekend na ito this February 26, sa People vs. The Stars.

People vs The Stars Teaser Ep. 7: Ang pagrampa at paglaban nina Rogelia, Boobay, at Tetay

MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS':

WATCH: 'Bubble Gang' stars, nasubok ang talino sa 'People vs. The Stars'

Valeen Montenegro at Carla Abellana, hindi maka-move on sa pagsali sa 'People vs. The Stars'