What's on TV

WATCH: Benjamin Alves, looking forward ikasal kay Julie Anne San Jose!

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2017 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Ang tambalang BenLie ay excited na sa pag-iisang dibdib ng kanilang mga ginagampanang karakter sa 'Pinulot Ka Lang Sa Lupa.'

Finally, engaged na sina Ephraim at Santina!

 

Bago humantong ang kanilang relasyon sa isang engagement, maraming pagsubok ang kanilang pinagdaanan at sa wakas ay magkakatuluyan na nga silang dalawa.

Ginagampanan ng rumored couple na sina Kapuso hunk Benjamin Alves at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang papel ng magkasintahan sa GMA Afternoon Prime soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa.

Ang tambalang BenLie ay excited na rin sa pag-iisang dibdib ng kanilang mga ginagampanang karakter.

Nakisali rin sa pag-anunsiyo ng Kapuso actor ang kapwa Sunday PinaSaya mainstay ng aktres na si Valeen Montenegro.

Subalit, panibagong pagsubok na naman ang kanilang haharapin sa pagbubunyag ni Angeli ng katotohonan laban sa ama ni Santina na si Hector na lubhang makakaapekto sa mga Esquivel.

Base sa imbestigasyon ni Angeli, tinuturong mastermind si Hector sa pagsisimula ng sunog sa dating tirahan ng mga Esquivel na ikinamatay ng kapatid ni Ephraim.

Hindi kinaya ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang rebelasyon ng kanyang karakter sa kwento.

Pangalawa sa Philippine trends sa Twitter ang #PKLSLPagbubunyag. Painit nang painit ang kuwento kaya tutukan ang mga susunod na pangyayari sa love story nina Santina at Ephraim pati na rin sa kwento ng pamilya Esquivel.


MORE ON 'PINULOT KA LANG SA LUPA':

WATCH: Benjamin Alves at Juie Anne San Jose, nagkaaminan na ng feelings? 

LOOK: First on-screen kiss nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, nag-trending! 

READ: Jean Garcia, may payo kay Benjamin Alves pagdating sa love life?