TV

WATCH: Former actor Red Sternberg, nagpakita sa 'T.G.I.S' reunion sa 'Road Trip'

By Al Kendrick Noguera

Mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan nang sumikat ang teen-oriented Kapuso show na T.G.I.S. noon. Dahil dito, nagkaroon ang ilan sa mga miyembro ng cast ng isang reunion sa pamamagitan ng isang bakasyon sa Bohol na napanood sa programang Road Trip.

Ang inakala ng viewers ay sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores at Bernadette Allyson lamang ang kanilang makikita ngunit nagkamali sila dahil limang T.G.I.S. stars pala ang kanilang napanood!

Sa pamamagitan ng isang video call, muling napanood sa telebisyon ang former actor na si Red Sternberg na ngayon ay nakatira na sa Florida, U.S.A.

"No plans yet, no plans," sagot ni Red nang tanungin ni Angelu kung uuwi ba siya sa Pilipinas. 

Ayon kay Bobby, natutuwa siya dahil muli niyang nakausap ang kaibigan. "Actually that was an unexpected surprise, getting to talk to Red because in all honesty, hindi na talaga kami nag-uusap," pahayag niya.

"Sobrang natuwa kami. Siyempre alam mo na ngayon because of technology, parang kasama na namin siya," saad naman ni Michael.

Panoorin ang T.G.I.S. reunion sa kabuuan ng Road Trip video: