GMA Logo royal blood
What's on TV

Intense confrontation ng Familia Royales sa 'Royal Blood,' nag-trend online at humataw sa ratings!

By Aimee Anoc
Published June 27, 2023 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bongao, Tawi-Tawi declares state of emergency over fuel shortage
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

royal blood


Nakakuha ng 9.6 percent na ratings ang 'Royal Blood' noong Lunes.

Pinag-usapan ng netizens ang mainit na tapatan ng magkakapatid na Royales at ng kanilang amang si Gustavo sa Royal Blood nitong Lunes, June 26.

Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag ng episode 6 na "RBNapoyVsRoyalesSiblings," kung saan umani ng iba't ibang reaksyon ang confrontation scenes ng Royales siblings na sina Napoy (Dingdong Dantes), Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), Beatrice (Lianne Valentin), at ng kanilang amang si Gustavo (Tirso Cruz III).

Bukod dito, kinagiliwan din ng netizens ang ilang kilig scenes nina Napoy (Dingdong) at Tasha (Rabiya Mateo) sa Royal Blood.

Nakakuha rin ng mataas na ratings ang episode na ito na umabot sa 9.6 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Sa episode 6 ng Royal Blood, matapos na sunduin ang anak na si Lizzie (Sienna Stevens) sa eskwelahan kung saan nakasama rin niya sina Tasha at Otep (Benjie Paras), isinama ni Napoy si Tasha pag-uwi sa mansyon ng amang si Gustavo.

Hindi ito ikinatuwa ng half-siblings ni Napoy na sina Kristoff, Margaret, at Beatrice lalo na nang malaman ng mga ito na kinuha ni Cleofe (Ces Quesada) bilang yaya ni Lizzie si Tasha.

Para sa magkakapatid, imbes na mapaalis si Napoy ay nadadagdagan pa ang tao nito sa mansyon. Kaya naman agad na kinumpronta nina Kristoff, Margaret, at Beatrice ang kanilang ama sa kung ano ba talaga ang binabalak nito.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

Panoorin ang full episode 6 ng Royal Blood dito:

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: