What made Dingdong Dantes say yes to do 'Royal Blood'?

Balik-primetime si Dingdong Dantes para sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood, na mapapanood na simula June 19 sa GMA Telebabad.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibida sa isang murder mystery drama ang aktor kung saan ang first impression niya sa serye ay "exciting at nakakatakot."
Kuwento niya, "Hindi dahil nakakatakot 'yung materyal pero nakakatakot siyang gampanan, which is good kasi kapag nararamdaman ko 'yung ganoong takot sa kahit anong roles... gusto ko siya, gusto ko 'yung ganoong pakiramdam."
Narito ang ilang dahilang nabanggit ng Kapuso Primetime King kung bakit nga ba niya tinanggap ang Royal Blood:







