TV

Camille Prats, umaming naging komplikado ang pag-i-explain ng relasyon nila ni VJ Yambao sa kanilang mga anak

By ANN CHARMAINE AQUINO

Inamin ni Camille Prats na hindi naging madali sa simula na i-explain sa kanyang anak na si Nathan at sa anak ni VJ Yambao na si Ice ang estado ng kanilang relasyon. 

Kuwento ni Camille kay Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva, ito ay sa kadahilanang isa itong sensitibong usapin. Parehong may anak na dapat isaalang-alang sa relasyon nila ni VJ.

WATCH: Camille Prats, nag-Princess Sarah kasama ang asawa niyang si VJ Yambao sa 'Sarap Diva'

Saad ni Camille, "Komplikado talaga siya nung umpisa. It's very sensitive. Him (VJ) explaining to Ice about me. Siyempre parang kasama kasi 'yung bata doon eh kung bakit it didn't work out between both his parents, sino ako sa buhay ng papa niya."


Ayon kay Camille nagkaroon naman ng magandang ending ang kanilang pag-uusap dahil ito ay sinama rin nila ni VJ sa kanilang dasal.

Aniya, "'Yun 'yung isa sa mga ipinagdasal din namin. Lahat naman ng magandang nangyari sa buhay namin ay bunga ng mataimtim na pagdadasal."

MORE ON CAMILLE PRATS: 

First look at Camille Prats' 8-week-old baby

WATCH: Camille Prats, inalala ang kanyang pagkatalo sa 'Little Miss Philippines'

WATCH: Adrian Pascual of T.O.P. moves to Drake's "One Dance"