TV

Gardo Versoza, mapapanood sa 'Sirkus'

By Jansen Ramos

Break muna sa heavy drama ang aktor na si Gardo Versoza.

Matapos mamaalam ang kanyang karakter sa primetime series na Kambal, Karibal, muli siyang mapapanood sa upcoming series na Sirkus.

 

What you've missed from December 4 episode of 'Kambal, Karibal'

Maraming nalungkot sa pagkawala ng aktor sa naturang serye. Pinuri rin siya ng mga kapwa niya artista dahil sa mga matitinding eksena niya rito.

Carla Abellana applauds Gardo Versoza's performance in 'Kambal, Karibal'

Mula drama, sasabak naman siya sa isang telefantasya. Nagbigay pa ito ng patikim kung ano'ng karakter ang kanyang gagampanan dito, pero hindi naman ito nalalayo sa kanyang karakter sa Kambal, Karibal.

Kuwento niya, “Sinimulan ko ‘yung sirkus. Then, nanood sa 'min ‘yung kambal, si Mia and si Miko, hanggang sa mahiwalay sila sa magulang nila dahil nagkaroon ng sunog doon sa sirkus. Dahil nabuo ko na ‘yung sirkus kung saan napanood nila, kami na ‘yung tumayong pansamantalang  pamilya ng kambal.”

Makulay at napakalinis ng pagkakagawa ng special effects sa fantaserye, isang bagay na talaga raw kaabang-abang, ayon kay Gardo.  

Natutuwa rin si Gardo na makatrabaho ang teen actors ng serye. 

“Masaya ‘yung set namin. Nagpapasalamat nga ako sa kanila kasi kahit minsan hindi nila naiparamdam sa akin na malayo ‘yung edad ko sa kanila. Nakakabata ‘pag ganun, masaya sila kasama. Siguro ‘yun ‘yung isang bagay na nae-excite kami tuwing taping kasi magkakasama-sama kami ulit.”

Makakasama rin ng aktor sa telefantasya ang batikang aktres na si Cherie Gil.

Mikee Quintos and Mikoy Morales consider working with Cherie Gil a milestone

“Every time na malalaman kong ka-work ko si Cherie, excited ako, at the same time, looking forward ako palagi sa kakaibang role na iaatake naming pareho.”