TV

Online audition para sa 'StarStruck,' binuksan na

By Maine Aquino

#TheStarStruckExperience is now digital!

StarStruck

Sa mga nagnanais na maging parte ng 7th season ng StarStruck, narito na ang pagkakataon na tuparin ang inyong pangarap na mag-artista.

Tulad ng on-site audition kailangan lamang mag-register ng mga hopefuls para makasali. Dapat rin ay ihanda ang talentong ipapakita sa online panel. Mag-log on sa www.Starstruckgma.com para sa kumpletong detalye.

Bukas pa rin ang Metro Manila audition, Monday to Friday hanggang February 15. Sa darating na February 9 ay magkakaroon ng audition sa SM City Legazpi at February 10 naman sa SM City Naga.