TV

WATCH: Karakter ni Alden Richards sa 'The Gift,' mararamdaman na ang kakaibang 'kapangyarihan'

By Aaron Brennt Eusebio

Nabulag man ang kanyang karakter sa 'The Gift,' magkakaroon naman ng kakaibang 'kapangyarihan' ang bida nitong si Sep, na ginagampanan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.

Alden Richards

Pero kung bibigyan ng pagkakataon si Alden sa totoong buhay na balikan ang past o makita ang future, ano kaya ang kanyang pipiliin?

"Tingnan na lang natin 'yung past and, kumbaga, learn from it," sagot ni Alden.

"Kasi 'yung future, hindi natin hawak 'yun. 'Yung Diyos 'yung may hawak n'un."

Hati naman ang sagot ng mga co-stars ni Alden sa The Gift na sina Jean Garcia, Jo berry, Elizabeth Oropesa, at Mikee Quintos.

Para kay Elizabeth, gusto niyang bumalik sa past para maitama ang kanyang mga pagkakamali.

"Sana puwede pareho pero pipiliin ko na lang 'yung past kung isa lang ang puwede," ani Elizabeth.

"Bakit? Para ma-correct ko 'yung mga pagkakamali ko at hindi na ako magbayad sa future."

Alamin din ang sagot ng iba't ibang Kapuso artists sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:




Patuloy na panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.