Tambalang Julie Anne San Jose at Abra: mula musika hanggang pelikula
December 19 2014
By CHERRY SUN
PHOTO BY KRISTINE MANUEL, GMANetwork.com
Masasabing isa sa pinakainaabangang tambalan ngayon ay sina Julie Anne San Jose at Abra. At tila tunay na itinadhana ang kanilang pagsasama.
Ito ay dahil ang song collaboration nilang ‘Dedma’ ay ginamit na theme song para sa pelikulang Kubot kung saan sila ay gaganap bilang magkasintahan.
“We are honored kasi bilang mga composers din ng kanta mismo ay nagamit ito bilang theme song din ng Kubot. The song actually suits the movie,” pahayag ni Julie Anne.
“Nakakatuwa, parang sa isang project magbubunga pa siya ng isang mas mabigat pa, pero nag-co-complement siya sa isa’t isa kasi parehas nagbuhos ng luha, pawis at dugo. Syempre buong puso namin binuhos para pagandahin 'yung kanta, pagandahin 'yung pelikula kahit konti lang 'yung parte namin doon. Hand in hand lahat para maging over-all experience 'yung Kubot, from visuals to audio, to everything,” patuloy ni Abra.
Hindi rin nila kinakailang may chemistry silang dalawa.
“Sa isang tandem naman ‘di ba, hindi naman pwedeng mawala ang chemistry talaga. I like working with him, I like his stage presence. I like his mind, the way he sees the world, he sees things. Na-e-express niya through rapping. He’s just amazing. I’m glad and honored na nagkaroon ako ng collaboration with him, and hopefully magkaroon ulit in the long run,” pag-amin ni Japs.
Dagdag pa niya tungkol sa pagganap ni Abra sa pelikula, “I was surprised na may tinatago siya, tinatagong potential. Napakita niya at na-portray niya. He really did well, he did a good job for a first-timer na sumabak sa acting. Basta nakakatawa at nakakatuwa.”
Comments
comments powered by Disqus