'To The Top' wild cards, nagpapasalamat para sa second chance

July 28, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS


Hindi maipagkakaila ang excitement nina Cholo dela Cruz, Chris Yumang, Lharby Policarpio at Seph Manlapaz nang mabalitaan nila na sila’y babalik bilang wild card sa To The Top. Para sa apat, malaking pagkakataon na mabigyan ng second chance sa kompetisyon kung saan napamahal na sila sa kanilang ginagawa at mga kasama.

Mapatunayan ang sarili

Nakagawa na ng mga plano si Seph nang ma-eliminate siya mula sa kompetisyon. “I [wanted] to continue my studies, I had plans for my org InnerSoul, and many more [pero I realized na] this is a once in a lifetime opportunity,” sabi niya.

Hindi raw sasayangin ng Guitar Genius ang pagkakataon na ibinigay sa kanya, at ipakikita niya na nararapat siyang manatili sa kompetisyon. “Tine-take ko yung chance na ‘to para i-prove yung sarili ko to other contestants, sa judges at sa family ko… Gusto ko [rin] magpasalamat and I’ll do my best here para mapakita sa kanila na ‘di nasayang vote nila,” dagdag ni Seph.

Unexpected

Nag-e-exam sa school si Chris nang may tumawag sa kanya para ipaabot ang balita na makababalik siya sa show. “Nasa school ako nun, nag-te-test ako,” kuwento niya. Nang hindi niya masagot ang tawag, sinabihan ang kanyang pamilya at sila ang nagbigay ng magandang balita kay Chris.

Abot-langit raw ang pasasalamat ng tinaguriang Comeback Kid nang kanyang malaman. “Nagpapasalamat po ako na napili ako as wild card. [Gagamitin ko po ito ?para] ma-develop yung skills ko at gusto ko talaga manalo para rin sa family ko,” aniya.

God’s will

Para kay Lharby, plano ng Diyos na siya’y mapabilang muli sa mga contestant ng first multi-platform boyband search ng bansa. “God’s will [po ito] so para sa ‘kin,? ibinibigay sa ‘kin [yung chance na ‘to]. Ba’t ko naman tatanggihan?” wika niya.

Ikinatutuwa ng Pretty Boy ng Tondo na biniyayaan siya ng pagkakatong matuto sa industriyang gusto niyang mapabilang. “Importante po sa ‘kin [ang pagiging parte ng To The Top dahil] ang dami kong natututunan dito... Natututo rin ako sa mga kapatid ko dito. [I feel like I’m] getting better and better habang tumatagal,” sabi ni Lharby.

Great experience

Noon ay gusto ni Cholo magkaroon ng solo career bilang isang singer-songwriter. Nagsimula na siya sa isang record label ngunit nang malaman niyang naboto siya bilang wild card sa To The Top, hindi na siya nagdalawang isip pa.

Para sa Mr. DJ ng Marikina, ang pagsali sa To The Top ay magbubukas ng magadandang opportunity para sa kanya. “I had to stop [my solo career] for this and I think it’s a good choice. It’s a great experience, I get to learn more about my craft, myself, my talents in singing and dancing – things that I can’t learn by myself,” idineklara ni Cholo.

Kasama na sina Cholo, Lharby, Chris at Seph sa Top18 ng To The Top. Ang mga mananalo sa kompetisyon ay mapapabilang sa binubuong boy band ng GMA Network.

SEE ALL STORIES >