Kilalanin ang tatlong grupong makikipagtagisan ng galing sa 'To The Top'

July 29, 2015

By CHERRY SUN
 
Sa ikalawang episode ng To The Top ay hinati na sa tatlong grupo ang 18 artists.
 
 
 
Kilalanin ang Team A, Team B at Team C:
 
Team A
Ang Team A ay binubuo nina Chris Yumang, Luis Gragera, AJ Ajrouche, Bryan Olano, Louie Pedroso at Lance Busa.
 

Here are the members of Team A: Chris Yumang, Luis Gragera, Aj Ajrouche, Bryan Olano, Louie Pedroso, and Lance Busa!

Posted by To The Top on Sunday, 26 July 2015
 
Ayon kay Lance na tumatayo nilang team leader, lamang ang kanilang grupo pagdating sa kantahan. 
 
“We’re vocally strong. ‘Yung timbre ng boses namin palabas talaga. It’s like a bowling ball straight to the pins, and it’s striking. ‘Yung level ng volume namin at attack ng boses namin sobrang lakas,” wika niya.
 
Si Sweet Plantado ng The CompanY ang magsisilbing vocal coach ng Team A, habang ang international hip-hop champion na si Prince Paltu-ob ang kanilang dance coach.
 
Team B
Bahagi sina Seph Manlapaz, Martin de Vera, Joshua Jacobe, JP Palanca, Ken Carpena at MJ Magno ng Team B.
 

Here are the members of Team B: Seph Manlapaz, Martin De Vera, Joshua Jacobe, JP Palanca, Ken Carpena, and MJ Magno!

Posted by To The Top on Sunday, 26 July 2015

Paliwanag ng kanilang team leader na si JP, advantage ng kanyang grupo ang pagkakaroon ng performers na kapwa mahuhusay sa pagsayaw at pagkanta. 
 
Aniya, “Lahat magagaling talaga, pero confident po ako na kami ang pinaka-balanced [na performers]. Sa amin po ‘yung group na may pinakamaraming magagaling na dancers. Sa amin din po ‘yung may equal na level ng vocals.”
 
Makakasama ng Team B si OJ Mariano na mula rin sa The 
CompanY bilang kanilang vocal coach. Samantalang ang b-boying o breakdancing champion na si Jesse ‘Reflex’ Gotangco naman ang kanilang dance coach.
 
Team C
Sina Miko Manguba, Lharby Policarpio, Edric Ulang, Adrian Pascual, Cholo dela Cruz at Mico Cruz ang bumubuo sa Team C.
 

Here are the members of Team C: Miko Manguba, Lharby Policarpio, Edric Ulang, Adrian Pascual, Cholo Dela Cruz, and Mico Cruz!

Posted by To The Top on Monday, 27 July 2015

Higit pa sa kanilang talento, malaki raw ang naitulong ng maayos na working relationship nila sa grupo. 
 
Ani Miko na leader ng Team C, “Isa talaga kami, team talaga kami. Walang individual members, pero may Team C talaga na nagpe-perform every time.
 
“At enjoy lang kami lagi. Gusto namin maka-touch ng lives ng mga audience, ng puso nila,” dagdag din niya.
 
Vocal coach ng Team C si Moy Ortiz na vocal arranger din ng The CompanY at dance coach naman nila si Madelle Paltu-ob na dating miyembro ng 2-time World Hip Hop champions na Philippine Allstars.

SEE ALL STORIES >