Isang eroplano ng Xiamen Airlines na galing China, sumadsad sa isang runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong madaling araw, ayon sa ulat ni Luisito Santos ng Super Radyo's DZBB.

Ayon kay Conchita Bungag, hepe ng Manila International Airport Authority Media Affairs Office, galing Xiamen China ang Xiamen airlines flight MF8667 papuntang Maynila nang mag "hard landing" ito sa isa sa mga runway ng paliparan.

Sa ngayon, wala pang napapaulat na sugatan sa insidente.

Ang lahat ng bagahe ng mga pasahero ng naturang airlines ay nasa baggage carousel na.

Mga 12 a.m. ang oras ng arrival ng naturang flight pero inaalam pa kung anong oras nangyari ang aksidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagsadsad ng eroplano. — BAP, GMA News