Hawak na ng pulis ang binatilyong suspek sa pagpatay sa isa pang binatilyo sa Caloocan City sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghataw ng dos-por-dos.
Ayon kay Senior Superintendent Restituto Arcanghel, hepe ng Caloocan City Police, pinuntahan ng mga pulis at opisyal ng barangay ang suspek matapos makatanggap ng balita na susuko ito.
"Ayon sa report na nakarating sa akin, initially ang pagkasabi susuko siya. Eventually nung nandun na yung mga pulis kasama nung barangay, nagtangkang tumakbo yung bata," ani Arcanghel sa panayam sa Dobol B sa News TV nitong Biyernes.
"So apparently hindi niya alam na susuko siya," dagdag pa niya.
Dahil menor de edad, itu-turnover ang suspek sa Department of Social Welfare and Development, ayon kay Arcanghel.
Ilang sandali pa, mag-isang pinuntahan ng suspek ang biktima habang tila nanonood lang ang ilang pang lalaki at may kumukuha pa ng video.
Sa video, nakuhanan ang ilang ulit na paghataw ng suspek ng kahoy sa biktima na napabagsak na sa kalsada. Pagkatapos nito ay tumakas na ang suspek habang naiwan ang biktima na walang malay.
Nadala pa ang biktima sa ospital ngunit namatay rin kinabukasan matapos siyang ma-comatose.
Ayon kay Arcanghel, kakasuhan din nila ang mga kasama ng suspek.
"Isasama po namin sila. Principal [suspects] po sila... kasi kung nakita natin yung video, alam nila na may mangyayari at nakita niyo naman na inuudyok yung bata," aniya.
Sa kasalukuyan, wala pa sa kustodiya ng pulis ang mga kasama ng suspek. —KBK, GMA News
