Sinaksak ang isang 6-anyos na batang lalaki ang 17-anyos na nakaaway ng kaniyang tatay sa Valenzuela City noong Sabado.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong araw ng Linggo, sinabing nangyari ang insidente sa may Santol Street, Bilog sa Barangay Balangkas ng nasabing lungsod dakong 2:15 ng hapon.

Kinilala ang biktima isang 17-anyos na out-of-school youth, at taga-Barangay Balangkas.

Kinilala ang suspek na 6-anyos na si "Von" (di tunay na pangalan), isang Grade 2 pupil.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nag-away ang ama suspek at ang biktima.

Pinalo umano ng 17-anyos ang ama ng bata ng kawayan. Sa galit ng bata, sinaksak niya ng kutsilyo sa tiyan ang biktiman.

Agad na itinakbo sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima na kalauna'y inilipat sa Valenzuela Medical Center at ngayon ay inoobserbahan pa ang kalagayan.

Inilagay na sa pangangalaga ng  Valenzuela City Child Protection Center ang suspek na 6-anyos para sa counseling at karagdagang intervention. —LBG, GMA News