Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa gilid ng isang sari-sari store sa Barangay Holy Spirit Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Melvin Anasarias, 27, at isang construction worker.

Kuwento ng isang saksi, umiinom ang biktima nang lapitan ng isang salarin na nakasuot ng itim na jacket at face mask.

Ilang saglit pa, umalingawngaw ang apat na apat na putok ng baril na narinig ng mga residente.

Tumakas ang salarin paakyat sa malapit na footbridge, at nahulog pa umano ang face mask nito, ayon sa saki.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa batok at braso.

Wala namang maisip ang mga kaanak na posibleng motibo sa krimen.

Umalis anila sa bahay ang biktima gabi noong Huwebes at nakipag-inuman sa mga katrabaho niya.

Mensahe nila sa salarin, makonsensya sana ito at sumuko sa mga awtoridad.

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang limang basyo ng bala.  —BG, GMA News