Isa na namang pulis ang nahulihan ng iligal  na droga, ayon sa ulat sa Super Radyo dzBB nitong Sabado.

Ayon sa ulat ni Mark Makalalad, kinilala ang suspek na si PO1 Alexander Ilagan na nahulihan ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu sa Pateros.

Ayon kay Senior Superintendent Julius Coyme, nahuli si Ilagan sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Tabacalero bandang 3:10 p.m.

Dagdag ng opisyal ng pulis, isinagawa ang buy-bust matapos makatanggap ng reklamo laban sa pulis.

Kabilang raw ang pangalan ni Iligan sa drugs watchlist ng pulis Pateros.

Kakasuhin ang nahuling pulis ngpaglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165.

Nitong Huwebes lamang, isang pulis ang nahuling bumabatak ng cocaine sa isang Halloween Party sa Taguig City. — MDM, GMA News