Naputol ang braso ng isang pasahero nang magkasagian ng dalawang bus sa EDSA nitong Sabado ng umaga.

Nangyari ang insidente sa EDSA-Kamuning, southbound area malapit sa Station 10 ng Quezon City Police District dakong 9:30, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Super Radyo dzBB.

Pahayag ng driver ng bus na sinasakyan ng biktima, nakatulog ang kaniyang pasahero na nakalawit ang isang braso nang biglang sagiin ng isang bus ang kaniyang minamaneho na bus.

Nasapul ang brasong nakakawit at naputol.

Ginagamot na ngayon sa East Avenue Medical Center ang biktima. —LBG, GMA News