Isang sanggol ang natagpuang patay sa basurahan sa Tondo, Maynila, ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Miyerkoles.

Ayon sa street sweeper na nakakita, naglilinis sila ng tulay nang mapansin niya na may bahid ng dugo ang isang basurahan.

Nang kanyang damputin, bumungad ang ulo ng isang sanggol na babae.

Agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari. —KG, GMA News