Karga-karga pa ng isang babae ang kaniyang paslit na apo nang maaresto ng mga pulis sa Quezon Ctiy dahil sa pagbebenta ng "shabu."
Sa ulat ni James Agustin sa "Unang Balita" nitong Miyerkoles ng umaga, sinabing nahuli ang babae, karga-karga ang kaniyang apo, pasado alas-onse ng gabi sa Barangay Culiat.
Nakuha mula sa kaniya ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu.
Aniya, napilitan lamang siyang magbenta ng droga dahil kailangan niyang kumita upang pambili ng gatas.
Ayon sa mga pulis, dati nang nahuli ang babae sa Oplan Tokhang, ngunit bumalik sa bisyo.
Pahayag ng isang kapit-bahay, karga-karga ng suspek ang kaniyang maliit na apo habang naglalako ng shabu at ginagawang pangtakip sa iligal na gawain ang bata. —LBG, GMA News
