Nasawi ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Hulong Duhat, Malabon City.

Sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo DZBB, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa kahabaan ng Don Basilio Street pasado 7 p.m. ng Miyerkoles.

Nakasampa pa sa minamanehong tricycle ang driver na tinatayang nasa 50 anyos.

Wala pang makapagtukoy sa bilang ng mga salarin at ang ginamit na getaway vehicle ng mga ito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga operatiba ng Malabon Police. Hindi pa inilalabas ang pangalan ng biktima.

Sinabi ng ilang kaanak ng biktima na wala silang nalalamang kaaway nito.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News