Isang bagong kotse ang regalo ni "Hindi Ko Kayang Iwan Ka" lead star Yasmien Kurdi sa kaarawan ng kaniyang mister na si Rey Soldevilla Jr.

Sa video na ini-upload ni Yasmien sa kaniyang Instagram account, makikita ang kaniyang mister na patungo sa nakasarang garahe.

Nang dahan-dahan na itong magbukas, bumungad kay Rey ang bagong pulang kotse at ang kaniyang mag-ina.

May hawak pang cake si Yasmien, habang sumigaw ng "Surprise!" ang anak niyang si Ayesha.

"I am so grateful I married a man as wonderful as you. Ang swerte ko kasi ang pogi mo, mabait, generous at super humble na tao I hope you never change in life, because you are absolutely perfect the way you are I Love You so much! Happy Birthday Pangga #Surprise #BirthdayBoy," saad ni Yasmien sa caption ng video.

 

 

Ikinasal ang aktres sa kaniyang mister na piloto noong 2012.-- FRJ, GMA News